Insidente ng hate crime laban sa Asian community sa Estados Unidos, kinondena ni Vice President Leni Robredo

Mariing kinondena ni Vice President Leni Robredo ang serye ng mga hate crime laban sa mga Asyano sa Estados Unidos.

Sa isang pahayag, sinabi ni Robredo na nakakaalarma at nakakadismaya ang mga pag-atake sa Asian community at umaasa siya na aaksuynan ito ni US President Joe Biden.

Ayon pa kay Robredo, mas kinakailangan ngayon na magtulungan ang bawat isa lalo na’t hindi naman ang mga Asyano ang kalaban kundi ang kasalukuyang COVID-19 pandemic.


Matatandaang noong Marso ay kabilang ang anim na babaeng Asian sa nasawi matapos ang nangyaring mass shooting sa Atlanta.

Habang ikinagalit din ng marami ang ginawang pag-atake sa matandang babae na Filipino-American kung saan wala man lamang tumulong mula sa mga nakakita.

Facebook Comments