BAYAN NG SAN AGUSTIN, MALAYA NA SA INSURHENSIYA

CAUAYAN CITY – Idineklara ng Insurgency Free ang munisipalidad ng San Agustin, Isabela na pinamumunuan ni Municipal Mayor Hon. Cesar A. Mondala kahapon, ika-3 ng Hunyo taong kasalukuyan.

Sa nakalipas na taon hanggang sa taong kasalukuyan, wala anumang presensya o panghihikayat ng makakaliwang grupo ang naitala.

Bukod dito, nakatulong din ang patuloy na pagsasagawa ng kapulisan ng mga aktibidad kaugnay sa Executive No. 70 o NTF-ELCAC para maging Insurgency Free ang naturang lugar.


Ang pagdedeklara ay sa pamamagitan ng Resolution No. 2024-01 series of 2024 na inaprubahan ng Sangguniang Bayan noong ika-12 ng Pebrero taong kasalukuyan.

Nakiusap naman si BGen. Eugene Mata, Brigade Commander ng 502 Infantry Brigade, na kung maaari ay huwag ng hayaan ng mga mamamayan na makabalik pa ang mga makakaliwang grupo sa kanilang lugar.

Facebook Comments