Sa tingin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, hindi na kailangan ng gobyerno na mangutang sa World Bank o sa Asian Development Bank (ADB) para may maipambili ng COVID-19 vaccine.
Mungkahi ni Drilon, gamitin na lang pambili ng bakuna kontra COVID-19 ang 19 na bilyong piso na anti-insurgency fund para sa susunod na taon.
Binanggit ni Drilon, ang sinabi ni COVID-19 Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na 50 milyong dose ng bakuna ang planong inisyal na bilhin para sa 25 milyong mga Pilipino.
Ayon kay Drilon, katumbas ito ng 250 million US dollar o P12.5 billion pesos.
Paliwanag ni Drilon, pwede nang gamitin para rito ang bahagi ng 19 billion pesos na 2021 budget para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Facebook Comments