Kasunod nito, naglunsad ng 13 intensive at strategical Focused Military Operations ang iba’t ibang unit ng 5ID laban sa mga natitirang miyembro ng Communist Terrorist Groups sa Cagayan Valley at Cordillera Regions.
Matatandaan na nagkaroon ng anim (6) na armadong engkwentro sa pagitan ng pamahalaan at rebeldeng grupo kung saan tatlong (3) matataas na pinuno ng makakaliwang grupo ng Komiteng Probinsya Cagayan na kinilalang si Saturnino Lao Agunoy alyas Peping, Head ng Regional Ordinance Department, Mark Canta alyas Uno, Gilyang Pulitiko, at Anggusto Dela Cruz Gayagas alyas Val, medical officer kapwa ng West Front Committee ang napatay sa bakbakan.
Samantala, nagresulta naman ng pagkahuli kay Isabelo Adviento alyas Buting, Staff Member ng Kilusan sa Lungsod sa Sentrong Bayan, Regional White Area Committee sa Barangay Luyang, Bayombong Nueva Vizcaya ang pinaigting na kampanya ng tropa ng militar.
Base sa progress report, 8 regular na armadong miyembro, 12 NPA sa mga baryo, at 42 miyembro ng Underground Movement ng CTGs sa Cagayan Valley at Cordillera ang nanumpa ng kanilang katapatan sa gobyerno.
Bukod dito, narekober ang tatlong lugar na pinagtataguan ng mga rebelde habang ilan din sa mga armas pandigma ang nakumpiska kabilang ang 31 high-powered firearms, 10 low-powered firearms, ilang bala, magazine, eksplosibo, at personal na gamit ng CTG sa tulong ng mga dating Rebelde at ng mga residente sa mga komunidad.
Pinuri naman ng heneral ang mga nagawa ng tropa sa pagwawakas ng lokal na armadong labanan ng komunista sa Area of Responsibility ng 5ID.
Ayon pa sa kanya, sa nakalipas na limang dekada, ang mga CTG ay nagdudulot ng kalituhan sa bansa ngunit tatapusin na ang kanilang mga kalupitan sa ng 2nd quarter ng kasalukuyang taon.