Manila, Philippines – Nagpasa na ng Resolusyon ang Integrated Bar of the Philippines na naghahayag ng suporta sa panawagan ng DOJ na ilipat na sa Metro Manila ang paglilitis sa mga ka so ng miyembro at symphatizer ng grupong Maute.
Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Vitalliano Aguirre II na siyang kumatawan kay pangulong Rodrigo Duterte bilang Keynote Speaker sa ika 15 anibersaryo ng PDEA kahapon.
Ayon kay Aguirre wala nang sapat na ispasyo sa Cagayan De Oro City kung saan dinidinig ang mga kasong may kaugnayan sa Maute
Maging ang mga kawani aniya ng Hall of Justice ay nangangamba sa kanilang seguridad
Paliwanag ng kalihim Kung dito aniya sa Metro Manila ay walang magiging problema dahil sa Camp Bagong Diwa sa Taguig nandun na rin ang korte sa malapit na lugar.
Hindi anya tulad sa Cagayan De Oro kung saan ibinabiyahe pa ng ilang kilometro ang mga bilanggo.
Ang panawagang ito ni Secretary Aguirre sa Korte Suprema ay kasunod ng kanyang pagbisita sa Cagayan De Oro City.