Inaasahang tatagal ng dalawang linggo sa Türkiye ang Inter-Agency Contingent ng Pilipinas para tumulong sa mga naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol.
Ang 85-kataong delegasyon kung saan kasama ang dalawang mula sa Office of the Civil Defense, 12 mula sa Philippine Air Force (PAF) 505th Search and Rescue Group, 10 mula sa Metro Manila Development Authority (MMDA), siyam mula sa Subic Bay Metropolitan Authority at 31 Emergency Medical Technicians mula sa Department of Health (DOH) ay may mahalagang misyon sa Turkiye at ito ay upang sumagip ng buhay at tumulong sa mga biktima ng malakas na lindol.
Inaasahang lalapag din ngayong umaga sa Türkiye ang eroplanong sinakyan ng Urban Search and Rescue Team ng 525th Engineer Combat Battalion, 51st Engineer Brigade ng Philippine Army.
Ito’y matapos na lumipad kagabi mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang team ng Philippine Army, dala ang kumpletong kagamitan at iba pang essential items na ipapamahagi sa mga biktima ng lindol sa naturang bansa.