Ipinagiba ng Inter-Agency Task Force ang isang resort sa Boracay dahil sa paglabag sa umiiral na 30-meter easement rule.
Ipinatupad ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) ang demolisyon sa istraktura ng Boracay Plaza Beach Resort matapos na mabigo ito na nakatugon sa ibinigay na 15-day ultimatum.
Tatlong kautusan ang isinilbi sa Boracay Plaza para magkusa na gibain ang istraktura noong kasagsagan ng Boracay rehabilitation.
Ayon kay BIATF chair at DENR Secretary Cimatu, maliban sa paglabag sa easement rule, nag ooperate rin ang Boracay Plaza nang walang kaukulang permits.
Siyam na iba pang establisyimento na may katulad na paglabad ang giniba
Kinabibilangan ito ng Blue Lilly Hotel, Calveston International Inc., Exclusive Dawn VIP Boracay Resort, Little Prairie Inn, New Wave Divers, Steve’s Cliff/Boracay Terraces Resort, True Homes, Watercolors Dive shop, and Willy’s Rock.