Interest rate ng bansa, mananatili sa 4.0% – BSP

Walang paggalaw sa interest rate ng bansa ngayong taon.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno – napagdesisyunan ng monetary board na panatilihing nasa 4.0% ang interest rate ng bansa dahil na rin sa pagbagal ng inflation rate.

Hindi rin magkakaroon ng anumang interest rate cuts at pansamantala rin munang ititigil ang policy loosening cycle ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP.


Umaasa naman si Diokno na papalo sa 2 hanggang 4 percent ang inflation rate ng bansa mula ngayong taon hanggang 2021.

Facebook Comments