Interest rate sa bansa, mananatili sa 2% – BSP

Mananatili sa 2% ang interest rate sa bansa para matulungan na makabangon ang ekonomiya.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno, nagdesisyon ang Monetary Board na panatilihin ang interest rate na 2% matapos maitala sa 4.2% ang Gross Domestic Product (GDP) sa unang bahagi ng taon.

Ang interest rate ng BSP ang pinagbabatayan o benchmark ng mga bangko at iba pang lending firm kaugnay ng kanilang pricing loan, credit card at deposit rate.


Facebook Comments