Manila, Philippines – Mas paghuhusayin pa ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) ang recruitment at hiring procedures para sa mga police applicants.
Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na kasunod ito ng pagkakasangkot sa illegal drugs activities ng karamihan ay mga neophyte o baguhang pulis.
Base sa records ng PNP, 65% ng police personnel na sinibak sa puwesto o pinatawan ng kaparusahan ay may mga rangko mula PO1 hanggang PO3.
Aniya kailangan nang suriing mabuti ang proseso sa pagtanggap ng mga police applicants upang makita kung may mga lapses o may nakakaligtaan pang ibang procedures na nangangailangang mapahusay pa.
Sinabi pa ni Año, dapat pagsikapan pa ng PNP na itanim ang good moral values at kasanayan sa PNP personnel upang patuloy silang mapapaalalahanan ng kanilang sinumpaang tungkulin na maglingkod at magbigay proteksyon sa publiko.
Pagtiyak pa ni Año, lahat ng bulok na itlog sa PNP ay aalisin sa kanilang hanay bilang bahagi ng ipinatutupad na internal cleansing program.
Mula 2016, mahigit na sa 6,000 police commissioned at non-commissioned officers kabilang ang non-uniformed personnel kung hindi man nasibak sa serbisyo ay na-demote at nasuspende ang mga ito.