Manila, Philippines – Ipinapaparehistro ni House Committee on Public Order and Safety Chairman Romeo Acop Philippine National Police Supervisory Office for Security and Investigation Agencies ang internal security units ang mga casino at iba pang kahalintulad na establisyimento.
Nais ng mga kongresista na paigtingin at palakasin ang seguridad upang maiwasan na ang nangyaring insidente sa Resorts World Manila.
Ayon kay Acop, kailangan nang iparehistro sa PNP-SOSIA ang mga naturang unit upang mas maasahan sa pagresponde sa anumang insidente sa casino.
Dahil sa nangyaring security lapses sa Resorts World Manila na nagresulta sa pagkasawi ng tatlumpu’t pitong indibidwal ay naging kaduda-duda na ang kakayahan ng internal security.
Inirekomenda ni Acop sa Philippine Amusement and Gaming Corporation ang pagrehistro sa mga security personnel sa PNP-SOSIA sa lahat ng lisensyadong gaming establishments.
Iminumungjahu naman ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon ang pagsasagawa ng mga drills o training para sa mga security personnel upang hindi na maulit ang pag-atake at maiwasan na rin ang misencounter sa pagitan ng mga security guard at ng PNP.