Manila, Philippines – Muling nanindigan ang Malakanyang na walang karapatan ang International Criminal Court na makialam sa domestic affairs ng Pilipinas.
Reaksyon ito ng Palasyo sa sinasabing monitoring ng ICC sa mga drug related killings sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, wala namang kongkretong ebidensya sa mga alegasyong crimes against humanity.
Sabi pa ni Abella, malinaw ding inabswelto na ng Senado si Pangulong Rodrigo Duterte at wala ring ganung krimen sa Pilipinas.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na pursigido siyang labanan ang iligal na droga at pangalagaan ang bansa kahit pa sa iligal na paraan.
Facebook Comments