Internet voting demonstrations, isinagawa ng Comelec

Nagsagawa ang Commission on Elections (Comelec) ng internet voting demonstrations ngayong araw.

Ito’y upang malaman ang proseso na gagamitin para sa overseas absentee voting sa darating na 2025 midterm elections.

Nasa walong kumpaniya ang nakibahagi sa nasabing aktibidad kung saan ipinakita ng mga ito ang kani-kanilang sistema.


Ilan sa mga kumpanya na mga ito ay ang Miru, Smartmatic, Dermalog, Indra, E-Corp, Tambuli Labs, Voatz at Thales.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, layon ng naturang voting demonstration na magkaroon ng makabagong options ng pagboto ang mga OFW sa ibang bansa.

Paraaan din ito para magkaroon ng pagkakataon ang mga OFWs na makapili ng mga mamumuno sa bansa.

Facebook Comments