Philippine Air Force, nakahanda saka-sakaling magsagawa ng cloud seeding operations ang pamahalaan kasunod ng nakaambang kakapusan ng suplay ng tubig

Nakahanda ang Philippine Air Force na tumulong sa pagsasagawa ng cloud seeding operations.

Ito ay kasunod na rin ng nakaambang kakapusan ng suplay ng tubig dahil sa patuloy na pagbaba ng tubig sa Angat Dam reservoir.

Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson Col. Bon Castillo, patuloy ang koordinasyon nila sa DA-Bureau of Soils and Water Management at DA-BSWM Water Resources Management Division para sa ikakasang cloud seeding operations.


Sa katunayan, noong isang taon makailang beses silang nagsagswa ng nasabing aktibidad.

Paliwanag pa ni Castillo, nakaantabay ang kanilang LC210 at NOMAD 22 na siyang magsasagawa ng cloud seeding operations sa Angat Dam.

Facebook Comments