Makakaapekto ngayong araw ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at easterlies sa ilang lugar sa bansa.
Ayon sa PAGASA, apektado ng ITCZ ang bahagi ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
Makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa bahagi ng Bicol Region, Northern Samar, Ooriental Mindoro, Marinduque, at Romblon.
May mga pag-ulan din sa bahagi ng Visayas, Palawan kasama ang kalayaan islands, at occidental mindoro.
Samantala, localized thunderstorms naman ang nakakaapekto sa Metro Manila.
Babala ng PAGASA, maging alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar.
Facebook Comments