INTERVIEW | Petsa ng public panel interview sa mga nominado sa posisyong CJ ng Korte Suprema, inanunsiyo na

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Judicial and Bar Council (JBC) ang petsa ng public panel interview sa mga nominado para sa posisyong Chief Justice ng Korte Suprema.

Sa advisory ng JBC, gagawin ang interbyu sa division hearing room ng Supreme Court main building sa Padre Faura Street, sa lungsod ng Maynila sa August 16, 2018 (Huwebes).

Mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali, sasalang sina Associate Justices Lucas Bersamin, Teresita Leonardo-De Castro at Diosdado Peralta sa nasabing interview.


Mula naman alas-2:00 hanggang alas-5:00 ng hapon, Sinatagum City, Davao del Norte Regional Trial Court Executive Judge Virginia Tejano-Ang at Associate Justice Andres Reyes ang siyang sasalang.

Inanunsyo na rin ng JBC ang “opening for application or recommendation” para sa posisyong Supreme Court Associate Justice, kapalit ni bagong Ombudsman Samuel Martires.
Ang mga aplikasyon, nominasyon o rekumendasyon para sa SC associate justice ay maaaring isumite hanggang 4:30 ng hapon sa September 3, 2018.

Facebook Comments