IPATUTUPAD | MMDA, magpapatupad ng mga Operation Tow sa mga National Road sa SONA ni PRRD

Manila, Philippines – Mahigpit ang ipinatutupad ng Metro Manila Development Authority ang pagto-tow sa mga sasakyan na nasisiraan sa National Road upang maging maayos ang daloy ng sasakyan sa SONA ni Pangulong Duterte.

Ayon kay MMDA Head Task Force Special Operation Bong Nebreja, napaka trapik na bukas sa kahabaan ng Commonwealth Avenue kaya kung wala namang gagawin bukas ay umiwas na ang mga motorista na dadaan sa naturang lugar.

Paliwanag ni Nebreja, nakakalat na ang kanyang mga tauhan sa mga strategic na lugar upang magmando at magbigay na rin ng advisory sa mga motorista na dadaan sa Commonwealth Avenue QC.


Magpapatupad na rin ng Traffic Rerouting sa lahat ng uri ng sasakyan na dadaan sa Commonwealth Avenue upang makapaghanda ang mga motorista.

Facebook Comments