Ipatutupad na health protocols sa pagsisimula ng laro sa PBA bubble, pinaplantsa na, ayon sa DOH

Pinaplantsa na ang guidelines para sa pagbubukas ng laro ng Philippine Basketball Assocation (PBA) ngayong buwan.

Ito ay kinumpirma ni Department of Health (DOH) Usec.Maria Rosario Vergeire bilang paghahanda na rin sa pagpapatuloy ng 2020 Philiippine Cup sa darating na October 11.

Aniya, hihintayin na lamang ang pinal na resolusyon sa nasabing usapin.


Dagdag pa ni Vergeire, sang-ayon ang DOH sa plano ng PBA na magpatupad ng mas
istriktong protocol sa kanilang bubble sa Clark, Pampanga.

Kabilang dito na ang mga manlalaro ay sasailalim sa RT-PCR Test at iba pang staff limang araw bago pumunta sa bubble site.

Magkakaroon din na regular na swab test kapag nasa loob ng sports facility, shuttle service at hiwalay na dormitoryo.

Dagdag pa ng opisyal, istriktong imomonitor na hindi magkakaroon ng lapses sa mga protocol na ipinatutupad ngayon.

Facebook Comments