IPINAGKATIWALA | Usapin tungkol sa missile system ng China sa West Philippine Sea, ipauubaya na lang ng Malacañang sa DFA

Manila, Philippines – Ipapaubaya na ng Malacañang sa Dept. of Foreign Affairs na gawin ang kanilang diskarte hinggil sa paglalagay ng China ng bagong missile system sa bahagi ng West Philippine Sea.

Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque – wala ring balak ang Malacañang na ipatawag ang Chinese ambassador para hingan ng paliwanag hinggil dito.

At kahit nakakabahala aniya ang nasabing report, hindi pa naman ito beripikado dahil nagmula lamang ang ulat sa isang media report sa U.S.


Samantala, sinabi naman ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na hindi dapat manahimik si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu.

Malinaw aniyang banta ang nasabing missile system sa bansa dahil bahagi ito ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Facebook Comments