Manila, Philippines – Ipinagtanggol ng Palasyo ng Malacañang ang Philippine National Police matapos arestuhin ang tatlong baguhang Abogado ng isang Bar sa Makati City na niraid at nakuhanan ng mga iligal na droga.
Matatandaan na naalarma ang Integrated Bar of the Philippines sa pagkakaaresto sa tatlong abogado na kinilalang sina Atty. Jan Vincent Soliven, Atty. Romulo Alarcon at Atty. Lenie Rocha at masampahan ng obstruction of Justice matapos subukang pigilan ng tatlo ang pagraid sa nilusob na Bar.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi naman dapat nanghimasok ang tatlong abogado dahil ang dapat na pagpasok nila sa eksena ay sa oras na may naisampa nang reklamo sa piskalya laban sa kanilang kliyente.
Sinabi ni Roque na tama lang ang ginawang pagaresto ng pulis dahil magsasagawa ang mga ito ng search sa establisyimento bitbit ang isang search warrant.
Pinayuhan pa ni Roque ang tatlo na dumaasa re refresher course lalo na sa criminal procedure matapos ang ginawa ng tatlo na manghimasok habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga Pulis.