TANGGAP! | Bagong BF ni KC Concepcion, aprub na aprub kay Sharon Cuneta

Manila, Philippines – Aprub na aprub kay Megastar Sharon Cuneta ang bagong boyfriend ng anak niya kay Gabby Concepcion na si KC.

Kahapon nang mag-post sa Instagram si KC ng sweet photo nila ng French film producer at businessman na si Pierre-Emmanuel Plassart na inilarawan niya bilang “Warm, Genuine at Timeless”.

Obvious naman na sobrang masaya si Sharon sa relasyon ng dalawa na idinaan pa sa instagram ang pagbibigay ng seal of approval.


Say ni Sharon, hindi na bago sa kanya si Pierre na dati na rin nilang na-welcome sa kanilang pamilya ilang taon na ang nakakalipas.

Nito lang ding buwan nang ibahagi ni Sharon ang aniya ay blooming love life ni KC.

Taong 2011 nang unang magkakilala sina KC at Pierre sa dinaluhan nilang gala dinner para kay U.S. President Bill Clinton.

Facebook Comments