IPINALIWANAG | Modernization program, mahalaga para sa mga pasahero

Manila, Philippines – Mariing ipinaliwanag ng Department of Transportation (DOTr) sa mga transport groups kung bakit nais ng gobyerno na i-modernisa ang mga Public Utility Vehicles (PUV).

Ayon kay DOTr Usec. For Road Transport Tim Orbos – ang modernization program ay para sa ikagiginhawa ng mga pasahero.

Panahon na para irespeto ang mga commuters at bigyan ng ligtas, maayos at mahusay na public transport.


Pero kinikilala aniya ng gobyerno ang kalayaan ng mga transport groups na ihayag ang kanilang saloobin.

Nabatid na magsasagawa ng transport strike ang grupong PISTON sa December 4 at 5 bilang pagtutol sa nasabing programa ng gobyerno.

Facebook Comments