Manila, Philippines – Personal na namahagi si Pangulong Rodrigo Duterte ng halos 400 na certificate of land ownership agreement sa mga magsasaka sa Mulanay, Quezon Province.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ng Pangulo na ipinamahagi niya ang mahigit 600 na ektaryang lupain dahil hindi naman ito napapakinabangan ng gobyerno.
Muli namang nabanggit ng Pangulo ang plano niyang land reform sa isla ng Boracay kung saan tutol aniya siyang gawin itong commercial area.
Gayunman, ang kongreso na aniya ang bahala kung paano hahatiin ang isla para magamit ng publiko.
Aminado naman ang Pangulo na walang kapangyarihan ang inilabas niyang Executive Order (CO) para wakasan ang kontraktwalisayon kaya ipinauubaya na lang niya ito sa kongreso.
Kasabay nito, sinabi ni Duterte na ibinase lang niya sa operation order na inisyu ni dating Justice Secretary Leila De Lima na nagbabawal sa mga turista na makilahok sa kahit anong political activity sa Pilipinas.
Hinimok rin ng Pangulo ang makakaliwang grupo na samantalahin ang ibinigay niyang 60 araw para sa muling pag-usad ng peace talks.