Manila, Philippines – Hiniling sa security officials ng gobyerno na aksyunan ang ginagawang karahasan ng CPP NPA sa kanilang mga komunidad.
Inilapit na ng ibat-ibang tripo o ng mga indigenous people mula Region 9 hanggang 12 ang kanilang mga hinaing sa National Government partiklular sa Security Officials ng Pamahalaan.
Sa isang aktibidad sa Malacañang, inilatag ng mga katutubo ang kanilang mga nararanasang panggigipit at karahasan ng mga komunistang grupo o ng New People’s Army.
Ayon kay Datu Joel Unad, nang pumasok sa kanilang mga komunidad ang Communist Party of the Philippines, New Peoples Army, National Democratic Front o CPP-NPA-NDF ay gumulo na ang kanilang buhay dahil sa pananakot at pagpatay ng mga NPA sa kanilang mga kasamaan.
Ilang taon na aniyang pinapatay ng mga NPA ang kanilang mga tribal leaders at mga elders at idinadahilan aniya ng mga ito na sinasalungat ng mga ito ang idolohiya ng NPP-NPA.
Ibinunyag pa nito na halos 2,000 IP leaders na ang napatay ng mga NPA.
Sinabi din ni Unad na itinuturing na nilang masahol pa sa mga terorista ang nasabing rebeldeng grupo.
Kaya naman umaasa aniya sila na ngayong naiparating na nila sa National Government ang kanilang mga hinaing ay matutugunan na ito sa lalong madaling panahon.
Kabilang naman sa mga opisyal ng Pamahalan na dumalo sa aktibidad ay sina PNP Chief Director General Oscar Albayalde, AFP Chief of Staff General Carlito Galvez, National Security Adviser Secretary Germogenes Esperon.