Binuksan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang ekonomiya ng Pilipinas para sa mga foreign investors na balak mamuhunan sa bansa.
Ito ay matapos pumasa sa final reading noong nakaraang linggo sa Kongreso ang resolusyong naglalayong amyendahan ang mga regulasyong naglilimita sa foreign investment o foreign ownership sa bansa.
Ayon kay BSP Gov. Benjamin Diokno, ikabubuti ng bansa ang pagbubukas ng ekonomiya kung saan kabilang sa nais buksan ay ang educational system.
Habang pabor din aniya ito na luwagan ang corporate ownership gaya sa media para mawala ang monopolyo ng balita sa bansa.
Sa ngayon, ibinaba na ng World Bank (WB) ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa 4.7% target growth rate mula sa 5.5% noong Marso.
Facebook Comments