Ipo Dam at dalawa pang dam sa Luzon, patuloy na nagpapakawala ng tubig ayon sa PAGASA

Patuloy na nagpapakawala ng imbak na tubig ang Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan.

Base sa monitoring ng PAGASA Hydrometeorology Division, tumaas ang level ng tubig ng Ipo Dam ng   hanggang 100.62 meters at halos abot na nito ang 101 meters normal high water level.

Nananatili ring bukas ang isang gate ng Ambuklao Dam pero nilimitahan na sa .30 meters ang taas ng tubig na pinapakawalan mula sa .50 meters kahapon.


Isang gate na lang din ang bukas sa Magat Dam at patuloy na nagbabawas ng tubig.

Samantalang itinigil na rin kaninang umaga ang pagbabawas ng imbak na tubig sa Binga Dam.

Ang iba pang dam na nakitaan ng pagtaas sa water level ay ang Angat Dam at Pantabangan Dam habang ang La Mesa Dam ay nasa 78.69 meters ang water level.

 

Facebook Comments