Lalaking bibili sana ng sigarilyo, sinaksak

37

Banga, Aklan – Tama ng saksak sa dibdid ang tinamo ng isang lalaki matapos na masaksak kagabi sa Brgy. Ugsod, Banga, Aklan. Ang biktima ay kinilalang si Ruben Fuentes, sa tamang edad habang ang suspek ay nakilalang si Lemuel Gumban, 54-anyos, lahat residente ng nasabing lugar. Base sa imbestigasyon ng Banga PNP, na bibili sana ng sigarilyo ang biktima sa tindahan malapit sa bahay ng suspek kung saan kasalukuyan tumatagay ang suspek at ang mga kasamahan nito. Sinita at minura daw ito ng suspek kaya umalis na lang ang biktima pero habang pasakay na ito sa kanyang motorsiklo ay nilapitan sya ng suspek at biglang sinaksak sa dibdib. Agad na dinala sa hospital ang biktima at patuloy itong ginagamot habang ang suspek ay nasa kustodiya na rin ng Banga PNP matapos na maaresto.

Facebook Comments