Manila, Philippines – Iprenesenta ni Senator Antonio Trillanes IV ang nagpapatunay na siya ay nag-apply para sa amnesty at umamin sa kanyang pagkakamali nang madawit sa ilang paglabag sa konstitusyon.
Mababatid na ang kanyang umano ay non-filing ng application at non-admission of guilt ang ginamit na basehan ni Pangulong Rodrigo Duterte para ipawalang bisa ang amnestiya na ibinigay ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Sa kaniyang privilege speech, ipinakita ni Trillanes ang news report, kung saan makikita dito ang personal na pagdalo sa gitna ng pag-apply para sa amnesty.
Sa naturang video rin, maririnig ang senador na nagpapaliwanang na mayroong general admission of guilt sa kanyang application form.
Maliban dito, tinukoy pa ng mambabatas ang dismissal ng kaso na inihain laban sa kanya.