‘Ironclad commitment’ ng US sa Pilipinas, pinagtibay ni US President Biden

Muling tiniyak ni US President Joe Biden ang ‘ironclad commitment’ ng Amerika na depensahan ang Pilipinas.

Sa trilateral summit, sinabi ni Biden na gagamitin ng US ang Mutual Defense Treaty (MDT) at handa silang ipagtanggol ang Pilipinas sakaling makaranas ito ng anumang pag-atake sa loob ng teritoryo nito.

Inilarawan pa ni Biden sina Pangulong Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida bilang mga “friends and partners” na mayroong nagkakaisang hangarin para sa mapayapang Indo-Pacific region.


Ang MDT sa pagitan ng Pilipinas at US ay nagsisilbing pundasyon ng mahigpit na kooperasyon sa seguridad sa pagitan ng dalawang bansa.

Mas pinalakas ito ng 1998 Visiting Forces Agreement (VFA), at ng 2014 Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Matapos ang trilateral meeting, nagkaroon naman ng hiwalay na pagpupulong sina Pangulong Marcos at President Biden.

Facebook Comments