Manila, Philippines – Nilagdaan na ni Health Secretary Francisco Duque III ang Implementing Rules and Regulations o IRR ng Republic Act 11036 Metal Health Act.
Sa ilalim nito, ang mental health ay maisasama na sa general health system at pamamasailalim sa PhilHealth.
Ibig sabihin, kasama na ang check-up, gamot at confinement sa ospital sa subsidy ng national insurance system.
Nakapaloob rin rito na inaatasan ang mga regional, provincial, private hospital at mga community based health center na magkaroon ng mga unit na tutugon sa mental health.
Itinatakda rin sa batas na ituro sa mga paaralan ang pag-unawa sa kondisyon sa kaisipan at ang mga katungkulan ng mga government institution rito.
Ipinagkakaloob rin rito ang suicide at pagiging lulong sa droga bilang mga kondisyon ng mental health.
Inaatasan rin ng nasabing batas ang mga health care facility na magkaroon ng 24 hotline para tumugon sa mga mental health crisis.