San Fernando, Cebu Mayor, sugatan matapos tambangan

Talisay City – Tinambangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang van na sinasakyan ni San Fernando, Cebu Mayor Lakambini “Neneth” Reluya sa Barangay Linao, Talisay City.

Ayon kay Talisay City Police Chief Superintendent Marlo Cunag, pinagbabaril ng mga suspek na lulan ng motorsiklo ang van ni Reluya, alas-6 Martes ng gabi.

Kasama ng alkalde sa sasakyan ang kaniyang mister na si Ricardo Reluya, na presidente ng Association of Barangay Councils sa kanilang lugar at tatlo nitong body guard na nasawi sa pananambang.


Isinugod naman sa ospital ang mag-aswang Reluya na nasugatan sa insidente.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang mga salarin maging ang motibo ng mga ito.

Facebook Comments