IRR para sa amnestiya ng mga rebeldeng grupo, target na mailabas ng pamahalaan sa katapusan ng Marso

FILE PHOTO

Target ng National Amnesty Commission na mailabas sa katapusan ng Marso ang implementing rules and regulations (IRR) para sa pagbibigay ng amnestiya sa mga rebelde at iba pang local terrorist groups.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni NAC Chairperson Atty. Leah Tanodra-Armamento na pirma na lamang ng mga kinauukulan ang hinihintay para maging epektibo ang IRR.

Nakapaloob sa IRR kung sino ang mga kwalipikadong mag-aplay para sa amnestiya.


Batay sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kabilang ang ang CPP-NPA-NDF, RPA-RPP-ABB, MILF, at MNLF sa mga inalok ng amnestiya.

Sa ilalim ng amnestiya, mapapawalang bisa ang mga kasong nakahain laban sa mga rebelde, bibigyan sila ng kabuhayan para sa kanilang pamilya, at hahayaan silang mamuhay bilang mga normal na mamamayan sa lipunan.

Ang local amnesty board ng NAC ang tatanggap ng mga aplikasyon, na matatagpuan sa NCR, Iloilo City, Bacolod City, Butuan City, Samar, Bicol, Isabela at Baguio City.

Facebook Comments