Arnolfo Teves Jr., naaresto na

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na naaresto na ang dating kongresista na si Arnolfo Teves Jr., sa Dili, East Timor.

Ayon sa DOJ, bandang alas-4:00 ng March 21 nang maaresto si Teves habang naglalaro ng golf sa Top Golf Driving Range and Bar sa naturang bansa.

Si Teves ay nahaharap sa multiple murder charges na may kinalaman sa pagkamatay ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo at limang iba pa noong March 2023.


Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Timorese Police ang dating Kongresista at inihahanda ng NCB-Dili sa koordinasyon ng NCB-Manila at Dili Philippine Embassy, para sa extradition sa Pilipinas.

Facebook Comments