IRR sa batas na maghihiwalay sa kulungan ng PDLs na sangkot sa heinous crimes, sisimulan na

Pangungunahan ng Department of Justice (DOJ) at Bureau of Corrections (BuCor) ang pagbuo ng IRR o Implementing Rules and Regulations kaugnay ng batas na maghihiwalay sa pdls na convicted sa heinous crimes.

Particular ang RA 11928 o an act establishing a separate facility for persons deprived of liberty convicted of heinous crimes.

Bubuuin ng DOJ at BuCor ang IRR sa loob ng 90 araw.


Magkakaroon din ng technical working group na babalangkas sa nasabing panuntunan.

Sa ilalim ng batas, papayagan pa rin ang pagdalaw ng mga kaanak sa PDLs kahit mailipat sila ng pasilidad.

Facebook Comments