IRR tungkol sa pagbabawal sa maagang pagpapakasal sa mga menor de edad lalagdaan na

Natakdang lagdaan ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 11596 o” An act Prohibiting the Practice of Child Marriage and Imposing Penalties for violations thereof” ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa Novo Hotel Quezon City.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Usec. Jerico Javier, nais protektahan ng naturang batas ang mga kabataang maagang nagsisipag-asawa dahil naka-aalarma na kung saan base sa pag-aaral ng UNICEF lumalabas na bawat taon ay may 12 milyon mga kababaihan sa buong mundo na bagong dumating sa edad na 18 taong gulang ay nakapag-asawa na at ang Pilipinas ang pang 12 sa pinakamataas na bilang ng mga maagang nagsisipag-asawa.

Lumalabas sa pag-aaral na isa sa anim na mga kabataang kababaihan ay maagang nagsisipag-asawa bago makatuntong sa edad na 18 taong gulang.


Ilan sa mga kadahilanan kung bakit maagang nagsisipag-asawa ang mga batang kababaihan ay dahil sa kahirapan,kawalan ng edukasyon at sapat seguridad.

Sinumang lumabag sa naturang batas papatawan ng 6 hanggang 12 taon na pagkakabilanggo o pansamantala hanggang sa habang buhay na diskwalipikasyon na manungkulan ng anumang ahensiya ng gobyerno.

Facebook Comments