Asahan ang isa hanggang dalawang bagyo na maaaring mabuo at pumasok sa ating Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan ng Nobyembre.
Batay sa climate outlook ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), isa hanggang dalawang bagyo ang posibleng pumasok sa bansa na papangalanang “Kabayan” at “Liwayway”.
Sa climatological record ng PAGASA, apat na potensyal na cyclone tracks o daraanan ng bagyo ang kanilang binabantayan.
Bagama’t inaasahang tatama sa bansa ang mga tropical cyclones, maraming bahagi ng bansa ang makakaranas ng mababa at bahagyang tsansa ng pag-ulan dahil sa El Niño.
Nagbabala pa ang PAGASA na mas lalo pang lalakas ang epekto ng El Niño sa mga susunod na buwan.
Facebook Comments