Isa na namang aplikante ang nabiyayaan ng trabaho dahil sa DZXL RADYO TRABAHO

Hired-on-the-spot bilang receptionist sa isang kilalang hotel sa Metro Manila ang 19-anyos na si Kris Arriesgado sa tulong ng programang Radyo Trabaho na naging tulay para mailapit siya sa Prime Mover Business Solution Inc.

Mula Daanbantayan sa Cebu, lumuwas pa ng Maynila si Kris para dito makipagsapalaran sa paghahanap ng trabaho.

Dahil pangalawa sa anim na magkakapatid, siya lang at ang kanyang ate ang inaasahan ng kanyang pamilya.


Laking pasasalamat niya at nakatapos siya ng Senior High School kaya naman pangarap din niyang makapagtapos ng pag-aaral ang apat pa niyang kapatid.

At sa tulong ng ating programa, walang kahirap-hirap na natanggap sa trabaho si Kris.

Sa mga naghahanap ng trabaho, maaari kayong magpadala ng inyong updated resume o biodata sa radyotrabaho@gmail.com o magsadya sa aming himpilan dito sa 4th floor DZXL RMN Manila Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.

Maari din kayong tumawag sa Radyo Trabaho hotline 882-2370 o magtxt sa aming textline 0967-372-9014.

SA RADYO TRABAHO, TRABAHO LANG WALANG PERSONALAN!

#XL558RADYOTRABAHO #XL558JOBOPENINGS #XL558USAPANGTRABAHO #RADYOTRABAHO
#XL558MEETTHEBOSS

Facebook Comments