Isa na namang live-in partner, pinagbabaril patay ng mga kalalakihang nakatakip ang mukha sa Caloocan City

Manila, Philippines – Dead on the spot ang maglive in partner matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang mga kalalakihan sa Caloocan City.
 
Kinilala ang mga biktima na sina Anacleto Dela cruz, tricycle driver at Licel Chua, residente ng Brgy 176 Bagong Silang North Caloocan.
 
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya , tatlong kalalakihan na  naka jacket, may takip ng panyo ang mukha, naka sumbrero at nagpakilala umanong mga pulis ang pumasok sa kanilang bahay.
 
Sa pahayag naman ni alyas Marvin agad siyang pinalabas at pinakitaan ng baril ngunit tinawag ng kasamahan nila ang dalawang lalaki na humatak sa kanya at sumenyas na mali ang kanilang pinasok na bahay  sabay  turo sa bahay ng maglive in partner.
 
Ilang segundo lang umano ang lumipas, nang makarinig na sila ng tatlo hanggang apat na sunod-sunod na putok ng baril.
 
Naglakad lamang umano papalayo ang nga suspek at iniwang wala nang buhay ang maglive -partner.
 
Ayon naman  sa salaysay ng mga kapitbahay ng maglive-in partner, mabait naman umano ang mga biktima  at walang kaaway sa kanilang lugar at hindi naman nila masabi kung may kaugnayan sa illegal na droga ang pamamaslang sa dalawa.
 
Inaalam na ng pulisya kung mayroon CCTV camera sa lugar ng pinangyarihan ng krimen.


Facebook Comments