Dead on arrival sa pagamutan ang isang lalaking rider matapos sumalpok sa isang tricycle sa kahabaan ng Brgy. Sta. Fe, Agoo, La Union.
Kinilala ang biktima na isang 21 anyos na mula sa bayan ng Rosario.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sumalpok ito sa tricycle na nasa kanyang harapan.
Nagtamo ng matinding sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima habang sugatan naman ang backride nito nang itakbo sa pagamutan.
Nasa kustodiya ng awtoridad ang mga sasakyan na dawit sa insidente para sa tamang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









