Masayang sinalubong ng mga taga San Nicolas ang pagdiriwang ng Panagrambak 2025 Town Fiesta noong Sabado.
Puno ng enerhiya at kasiyahan ang kalsada sa isinagawang grand parade ng street dancing showdown at costume parade tampok ang mayamang kultura ng San Nicolas.
Makukulay na disenyo ng kasuotan at nakakaaliw na drum and lyre corps ng ibat ibang paaralan sa bayan ang pumukaw sa mga manonood at nagbigay ingay sa lugar.
Ang naturang pagdiriwang ay hindi lamang nagbigay saya sa mga dumalo kundi nagpatibay rin sa pagkakaisa ng mga taga-Nicolas.
Ang Panagrambak Fiesta ay Isang pasasalamat sa masaganang ani at pagpapakita na buhay na buhay na Kultura ng komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments