Isa pang Abu Sayyaf member na naka-engkwentro ng militar sa Bohol, naaresto na

66

Manila, Philippines – Kinumpirma mismo ni Armed Forces of the PhilippinesSpokesman Brig. Gen. Restituto Padilla ang pagkaka-aresto ng isang Abu Sayyaf membersa engkuwentro sa Inabanga, Bohol.
 
Sabi ni Padilla, ang naarestong ASG member ay hinihinalang kasamarin sa mga nasugatan sa engkuwentro na ikinasawi ng apat na miyembro ng asg sailalim ng pamumuno ni Abu Rami.
   
Ayon pa kay Padilla, ang impormasyon na nagtulak sa pagkaka-arestong abu sayyaf member ay mula sa mga residente sa Tubigon, Bohol dahil sasapilitan nitong pagpasok sa mga bahay doon.
 
Dagdag pa ni Padilla, puntirya ngayon ng bandidong grupo angmanggulo at manakot sa mga naninirahan sa nasabing bayan.
 
Binigyang diin pa ni Padilla na patunay lang ito ng pinaigting naoperasyon ng militar laban sa teroristang grupo.
 
Nananawagan naman ang AFP sa mga taumbayan na patuloy namakipagtulungan sa mga kinauukulan para tuluyan nang maubos ang teroristanggrupo.

Facebook Comments