Napunta sa 1st Division ng Comelec ang disqualification case laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na inihain ni Bonifacio Ilagan.
May kinalaman ito sa 1995 tax case conviction ni Marcos sa Quezon City Regional Trial Court.
Ang 3 pang petisyon na inihain laban kay Marcos ay hahawakan ng Commission on Elections (Comelec) Second Division.
Ang mga petisyon na ito ay ang inihain ni Tiburcio Marcos na nagnanais ipakansela ang certificate of candidacy ng dating senador at ang isa naman ay ang inihain ni Danilo Lihaylihay na nagnanais ipadeklarang nuisance candidate si Marcos.
Nauna nang inanunsyo ni Comelec Spokesman James Jimenez na ang petisyon na inihain ni Fr. Christian Buenafe et. al. na naglalayong ikansela ang COC ni Marcos ay na-raffle sa kaparehong division.