Bakunahan sa NAIA 3, naging matumal sa unang araw ng National Vaccination Drive

47

Naging matumal ngayong araw ang bakunahan sa unang araw ng National Vaccination Drive sa NAIA- Terminal 4.

Ayon sa Manila International Airport Authority- Media Affairs Division, 183 lamang na vaccinees ang dumating.

Ilan sa mga ito ay mga empleyado ng mga ahensya ng pamahalaan na nag-o-operate sa NAIA terminals na hindi pa nakakatanggap ng kahit first dose.


Ilan din sa mga nagpabakuna kanina ay kaanak ng mga empleyado ng paliparan.

May ilang medical frontliners ng NAIA ang sumalang din kanina sa booster shots.

Ayon sa MIAA, sa Enero pa ang booster shot ng karamihang mga empleyado ng paliparan kaya naging matumal ang bakunahan ngayong araw at hindi naabot ang target na 1,000 vaccinees .



Facebook Comments