Isa pang IED, narekober sa bomb site sa Tacurong City

Nakarekober pa ang Philippine National Police (PNP) ng isa pang Improvised Explosive Device (IDE) sa mismong bomb site sa naganap na pambobomba sa isang unit ng Yellow Bus Line sa Tacurong City kahapon ng umaga.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) PCol. Spokesperson Jean Fajardo ang narekober na secondary device ng mga awtoridad ay mabuting hindi sumabog.

Sinabi pa ni Fajardo na mabuti na lamang at narekober ka agad ito dahil posibleng magdulot ito ng panibago na namang pinsala at marami pang mga pasahero ang madadamay.


Kaugnay nito, magsasagawa ng post blast investigation ang Explosive and Ordinance Division ng PNP sa Tacurong City para masigurong hindi na magkakaroon pa ng panibagong pagsabog.

Facebook Comments