PBBM, makikipagpulong sa mga top business leaders sa Bangkok sa kaniyang pagdalo sa APEC Summit

Bukod sa pagdalo sa gaganaping Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Summit sa Bangkok, Thailand makikipagpulong din ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga top business leaders sa rehiyon.

Ayon kay Office of the Press Secretary OIC Usec. Cheloy Garafil, makikipagkita ang pangulo sa mga top executives ng mga Thai companies para pag-usapan ang mga business opportunities, investments at expansion plans.

Magkakaroon din daw ng oportunidad ang pangulo para makipagkita sa mga leaders of economies para talakayin ang mga bilateral relations at nang sa ganun magkaroon ng mutual economic benefits.


Nakatakda rin makipagkita ang pangulo sa Filipino community sa Thailand.

Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng in person meeting ang 21 miyembro ng regional economic bloc simula nang magkaroon pandemya noong 2020.

Facebook Comments