Monday, January 19, 2026

Isa pang impeachment complaint, planong ihain laban kay PBBM

Maghahain ng hiwalay na impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. (PBBM) ang Makabayan Bloc na binubuo nina Representatives Antonio Tinio, Sara Elago, at Renee Co.

Para sa Makabayan Bloc, maaring basehan ng reklamong impeachment kay PBBM ang sistematikong pandarambong sa pambansang budget gayundin ang lomolobong unprogrammed funds na ginamit sa maanumalyang flood control projects.

Binanggit din ng Makabayan Bloc ang seryosong alegasyon na tumanggap din ng kickback ang Palasyo mula sa mga proyektong pang-imprasktratura.

Punto ng Makabayan Bloc, wala pa ring ahensya ng gobyerno ang nag-iimbestiga kay President Marcos kaya mainam na maikasa ang proseso ng impeachment upang ito ay mapanagot.

Pahayag ito ng Makabayan Bloc makaraang ihain ngayong araw sa Kamara ng pribadong indibidual na si Atty. Andre de Jesus ang isang verified impeachment complaint laban kay PBBM.

Facebook Comments