Isa pang ina, nagsampa ng kasong kidnapping laban sa Gentle Hands Inc.

Isa pang ina ang nagsampa ng kasong kidnapping sa Quezon City Procecutors Office laban sa may ari ng Gentle Hands Inc. orphanage.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development, ang bagong complainant ay si Karizza Joyce Torcatos.

Batay sa reklamo, nabigo umano ang Gentle Hands Inc., na ibalik ang bata sa pangangalaga ni Torcatos.


Si Torcatos ay sinamahan ng kanyang legal counsel na si Atty. Marianne Barrameda sa paghain ng kaso laban kay GHI Executive Director Charity Heppner-Graf.

Una nang nagsampa ng hiwalay na kidnapping case laban sa GHI at may ari nito sina Monina Espinosa Roxas at Melanie Marzan.

May pareho silang masasakit na karanasan sa pagsisikap na mabawi ang kanilang mga anak mula sa childcare facility.

Pagkalipas din ng ilang buwan parehong nakuha ng mga nanay ang kanilang mga anak.

Facebook Comments