Dating Pangulong Duterte, dadalo sa SONA ni PBBM

Tiyak na ang pagdalo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ikalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa July 24.

Ito ang kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco.

Ayon kay Velasco, kasama ni dating Pangulong Duterte na dadalo sa SONA ang anak na si Vice President Sara Duterte pero hindi pa malinaw kung magkatabi sila ng upuan.


Samantala, puspusan na ang paghahanda sa Kamara para sa SONA at inilatag na rin ang red carpet na lalakaran ng mga bisita papasok ng Plenary Hall.

Unang inihayag ni Velasco na RTVM ang mamamahala sa ikalawang SONA ni PBBM ayon sa Office of the President at Presidential Communications Office.

Magugunitang sa nakaraan o unang SONA ni Pangulong Marcos ay tumayong director si Presidential Adviser on Creative Communications Paul Soriano.

Facebook Comments