Thursday, November 26, 2026

Ground breaking sa bagong Baclaran Multimodal and Market Hub Project, isinagawa ng MMDA, Pasay at Parañaque LGU

Isinagawa ang ground breaking ceremony ng Bagong Baclaran Multimodal and Market Hub Project sa Redemption Inland Channel, Aseana, Parañaque City ngayong Huwebes.

Kung maalala, nasa mahigit 2,000 vendors ang pansamantalang pinatigil ang operasyon noong kasagsagan ng ASEAN Summit para bigyang daan ang malinis at maayos na pagho-host ng bansa sa international event.

Tiniyak noon ng Pasay at Parañaque local government unit na bibigyan nila ng magandang puwesto ang mga vendor para hindi na makalat sa bahagi ng Baclaran.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, layunin ng proyekto na isulong ang mas ligtas at mas maayos na komersyal na kapaligiran.

Aniya, magandang may ganitong establisimiyento para mapabuti ang koneksiyon ng pampublikong transportasyon, bukod sa iba pang benepisyo.

Pinangunahan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes, Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, Pasay City Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano, PRA Head Atty. Alexander Lopez ang groundbreaking ceremony sa tabi ng LRT-1 Redemptorist-Aseana Station.

Facebook Comments