Thursday, November 26, 2026

Akusasyong “public enemy number one” ng administrasyon si VP Sara, tinawag na walang kwenta ng Malacañang

Ito binitawang pahayag ni Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro nang hingan ng komento sa alegasyon ni VP spokesperson Atty. Salvador Paolo Panelo.

Ayon kay Castro, walang basehan ang akusasyon ni Panelo na target ng administrasyong Marcos na pabagsakin ang bise presidente.

Matatandaang sinabi ni Panelo na ginagawa umano ng administrasyon ang lahat ng hakbang para gipitin si VP Sara.

Iginiit din niyang may dokumento ang pamilya Duterte tungkol sa mga banta sa kanilang seguridad.

Sa usapin naman ng desisyon ng Korte Suprema na nagpapahintulot sa paglilipat kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands, sinabi ni Castro na dapat maghain ng motion for reconsideration si VP Sara kung kinukuwestiyon niya ito.

Ipinaliwanag din niya na pinapayagan ng Republic Act 9851 ang pagsuko sa International Tribunal ng mga taong inaakusahan ng krimen laban sa sangkatauhan at genocide.

Facebook Comments